Saturday, October 13, 2012

SI PROFESSOR X, SI MABINI AT HANDICAPPED ASSISTANCE BILL

SI PROFESSOR X, SI MABINI AT HANDICAPPED ASSISTANCE BILL.

Minsan naisip ko, Si Professor X ng X-Men ginaya lang kay Apolinario Mabini e... Baka masyado lang akong Nationalistic, pero let's try to learn something from Mabini. Parehas na parehas, lumpo, naka-wheel chair, pero siya ang Utak sa Likod ng mga Katipunero at malaking bahagi sa kalayaan ng Pilipinas. Siya ang strategist ng mga katipunero
, siya din ang nagtatala ng mga nagaganap sa bawat pag-kilos nila. X-men na X-men kasi talaga nuon ang mga katipunero, KAUNTI LANG SILA, NAIIBA SILA dahil sa paniniwala nila, at they renounced their membership sa Gobyerno ng Espanya, so X-Men nga talaga. Karamihan sa Pilipino nuon ay normal na sa kanila na sila ang MAGING DAYUHAN AT ALIPIN sa sarili nilang bayan. Marami din ang masaya na sa buhay-alipin sa ilalim ng mga "panginoong Espanyol (Land lords)."


Si Mabini, kahit siya lumpo, napa-tala siya sa kasaysayan at nahanay sa categorya ng mga DAKILANG BAYANI ng Pilipinas. Nagtuturo kasi ang buhay niya na sa kabila ng kakulangang lakas pisikal ay mayroon parin magiging silbi sa Bayan. Siya ay isang abugado, manunulat, at higit sa lahat ang pinaka-tampok sa kanyang contribusyon ay siya ang "NAGING UTAK NG KATIPUNAN."

Nawa'y maging inspirasyon si Mabini ng mga Pilipinong nagtataglay ng kapansanan na hindi hadlang ang kakulangang pisikal upang mga dakila.

So ano ang suggestion ko para dito? Aba edi "ASSISTANCE FOR COLLEGE HANDICAPPED STUDENTS BILL."
1. Dapat sa bawat Universidad sa Pilipinas ay magkakaruon ng mga espesyal na classroom sa first floor nagka-klase ang mga lumpo, o may kapansanan. (*Bakit college? Ibig sabihin kung nakarating sila ng College, ibig sabihin resilient talaga sila, so applicable sa kanila itong batas na ito, hindi tayo magsasayang ng Tax-payer's money)
2. Dapat mayroon din silang assistance, ibigay sa kanila yung 50,000,000 pesos/year na budget ng CyberCrime Law. Para ma-asistehan sila sa pag-aaral sa Kolehiyo at pagka-tapos nilang mag-aral, magkaruon sana ng open opportunity sa Gobyerno. Yung mga lumpo, pwedeng papag-aralin ng Abugasya o Education. Pagkat marami silang magagawa to inspire more people. Malaki ang magiging bahagi nila sa pag-linang ng susunod na Henerasyon. Hindi ba mas nakaka-inspire maka-kita ng mga lumpo o may kapamsanan na nagtagumpay? Against all odds ika nga.
3. Marami pang minor details, pero kapag may chance na maki-pag meeting ako sa isang mambabatas i po-propose ko at ma-sponsoran sana.

#EmpowerTheFilipinoYouth

No comments:

Post a Comment

Leave your reply