Thursday, October 4, 2012

Isang Adhikaing Maka-Pilipino. Kalayaan atbp.

ISANG ADHIKAIN MAKA-PILIPINO.
jay robert Oct.5,2012.

Maraming salamat po sa inyong lahat. Ang inyong suporta ay halos hindi pumasok ni sa aking hamak na hinuha. Sa Twitter, sa Facebook at sa mga iba pang Routes of Communication naruon at naka-share ang ating panawagan. Tila hindi hihinto ang mga Netizens sa pagtulong hanggang hindi tayo naririning, o hanggat hindi nagkakaruon ng pagbabago. Hindi po tayo uurong, wala sa bukabularyo ng isang TUNAY NA PILIPINO ang umuurong. Mu
la pa kay Lapu Lapu, kay Rizal, Bonifacio at sa lumpong si Mabini mahuhugot natin ang isang adhikain maka-Pilipino. Walang hadlang, balakid o pananakot at makapipigil. Laban kung laban para sa kalayaan. Sabi nga sa atin sa Elemtarya, ang Pilipino ay may dugong MAHARLIKA at itong duong ito ang nananalaytay sa ating lahat. Tayo ay hindi ipinanganak upang apihin o abusuhin. Mahirap man ang marami sa atin ngunit hindi tayo pinalaki ng ating mga magulang upang apihin lamang ninoman. Tayo ay inaruga at binigyan ng pagkakataong makilala ang buhay sa kabila ng kahirapan o kagipitan. Nabubuhay tayong masaya at payapa sa kabila ng pagdurusa. Ito ang dugong maharlika, mayroong pag-asa, mayroong tanaw sa hinaharap, ito ang PILIPINO.

Bakit tayo nagkakaruon ng isang "public outcry?" o sa tagalog ay nais kong sabihing isang "Malawakang panaghoy" (mass lamentation, in literal translation) Sapagkat ang Pilipino ay hindi ignorante, ang Pilipino ngayon ay marunong na. Hindi na madadala pa ng matatamis na salita o sa salitang kalye ay "hindi na mabobola pa" Ang Pilipino ay marunong na. Ito yata ang hindi naramdaman ng ilang sa mga lider natin.

Ayon nga sa FORBES,"Once again we see a mix of ignorance to technology and the desire to exert further control over a population. Neither is pretty, and neither has any place in a good government." Narito, mula sa pang-unawang banyaga, ang probisyon na nasusulat sa batas na bagong likya ay walang lugar sa Gobyerno na kaaya-aya. Nabanggit din na mayroong bahid ng pagnanais ng labis sa hustong kontrol sa mga tao ang intensyon ng iilan sa mga probisyong tinatalakay.

Gulo ba ang hanap ng mga Netizens? Hindi gulo ang hanap natin, ang hanap natin ay una, ang KALAYAAN at pangalawa, MAIPALIWANAG ng husto ang batas na ito, at kung sadyang mayroong dapat baguhin, sa debateng iyon, duon niya ipaliwanag ang pagbabago na sinasabi niya. Mahirap kasi kung sasabihing mayroon siyang babaguhin, ngunit gigising nanaman tayo, isang araw, hindi nanaman natin alam kung ano ang mga nasa-saloob noon. Inaral ko na ang bagong batas na ito, nabasa, dinibdib, cover to cover, maraming dapat baguhin. Sa ganitong pagkakataon ba na sa susunod ay mayroong bagong batas, dapat siguro ay magkaroon ng open forum o di kaya ay debate na ipapalabas sa telebisyon o di kaya ay live-stream sa internet. Lalo na at kontrobesyal or maselang batas. Mahirap kung darating ang araw na kung saan ay gigising ang Pilipino, o ang mga magiging anak ng henerasyon ngayon na wala na pala silang karapatan dahil unti-unti na itong nasikil ng mga taong nais kontrolin ang buong sambayanan. Nakatutuwa ang ipininakikitang suporta ng mga tao, nakatataba ng puso.

Muli, hindi tayo galit sa CYBERCRIMELAW, nalulungkot tayo, nagluluksa, nananaghoy dahil sa mga taong nagdagdag ng probisyon na kung saan masasabi nating "Self-serving" ang mga ito. Hindi kailan man dapat gumawa ng batas na kung saan masisiskil ang kalayaan magpahayag. Ito ay karapatan ng bawat tao. Mabuhay ang kabataang Pilipino! Mabuhay ang mga Netizens!
Sa mga hindi naniniwala at nag-babash, oo ako si Condor hero, ako si Jay Robert. Siguro sa pag-kakataong ito ang "Condor Hero" ay nagkatawang tao.

Para sa mga taong nais tayong siraan, kutyain o pagtawanan, ito lang ang masasabi ko: If you were born with a Silver spoon in your mouth, If you were born with English grammar books in your mouth, then let me tell you that I AM BORN WITH INNATE COURAGE, BRAVERY AND FAITH. If your silver spoons and Grammar can help UNITE the PEOPLE OF THIS COUNTRY and spear CHANGES FOR THE BETTER, then you're worth humiliating me and my Cause. Otherwise, suffer the wrath of my supporters!

Hindi po ako isang kathang isip lamang. At lalong hindi po ako aatras sa hamon ko para sa isang public debate kay Sen. Tito Sotto. Dapat live ito. Walang outline, walang coach, walang prompter. Isama ang buong bayan. Karapatan natin ito, sila ay mga lider at dapat silang magpaliwanag sa taong bayan at paunlakan ang imbistasyong ito.

Mabuhay ang mamamayang Pilipino! Mabuhay ang Kalayaan. Wala na nga sila Rizal, Bonifacio at Mabini, ngunit sa bawat Pilipino ay naruon ang kanilang adhikain, naruon ang tatak na iniwan nila. SA TIBAY AT LAKAS NG LOOB, NOON LUMAYA ANG PILIPINAS. HINDI NA TAYO BABALIK PA SA PANAHONG ANG PILIPINO AY ITURING NA INDIO O WALANG ALAM.

MGA KABATAAN, MAYROON TAYONG MAGAGAWA. MAYROON KANG MAGAGAWA, BAYANI ANG BAWAT PILIPINO. KUNG NABUBUHAY LANG SI RIZAL, TIYAK AKO, MASAYA SIYA DAHIL ANG KABATAAN AY HINDI PAPAYAG NA MASIKIL ANG KARAPATAN. Siya mismo ang nagsabi, ANG KABATAAN AY ANG PAG-ASA NG BAYAN. NAGAGANAP YAN NGAYON. Kung magsisikap tayo sa ating mga pangarap, magtutulungan at magkakaroon ng isang magandang pangarap para sa MAGANDANG BANSANG ito, mabubuhay muli ang Pilipinas at tataas muli ang tingin sa bawat Pilipino, saan man sa mundo.

Muli, mabuhay po kayong lahat!

Jay Robert
Isang Pilipino
--------
Para sundan ang ating adhikain, narito ang facebook page facebook.com/iamjayrobert
twitter: @jayrobby

No comments:

Post a Comment

Leave your reply