Nag-iisip ako ng isang mabisang paraan kung saan ay mailalahad ko ang aking mga karanasan, ideolohiya, inspirasyon at buhay-buhay sa mga tao hanggang ang isang kaibigan ay isinabi sa akin na maganda ang wordpress, dahil para lamang itong isang diary.
Commercial lang: Ang idol ko sa negosyo ay si Donald Trump.
Nag simula akong maging negosyante mula nuong bata pa ako, sa chinese school kasi nuon ang lagi kong dala mga box ng Mongol, tapos ang mga classmate ko naman ang dala nila papel, candy, pantasa at kung iba iba pa. Bata pa kami e negosyante na, pag may dala ka kasing product, tapos may need sa commodity mong dala, kikita ka, negosyo na yun.
I'm very excited to write all my experiences in this publishing blog, I would want to inspire the Youth. Ika nga nila, hindi lang sapat ang mangangarap ka, dapat meron din sapat ng inspirasyon, motisbasyon at kaalaman. Yun mga bagay na iyon susubukan kong ibahagi sa lahat ng magiging tagapagsubaybay ng blog na ito.
Sana ay sundan ninyo ako sa aking pagbabalik tanaw mula nuong bata pa ako at paghaharap tanaw sa kinabukasan at hinaharap; mga inspirasyon at turo nila mommy at daddy, mga gabay ng mga naging magagaling na mentors at mga karanasang kasama ang aking mga kaibigan.
Love life, pwede din ma-topic. Hindi pa ako sure pero siguro pwedeng pwede na din. Ang negosyante kasi minsan, wala na love life yan e. Kasi madali naman gumawaw niyan kapag established ka na.
Sa blog na ito, hindi ko rin maiiwasan na sabihin sa inyong lahat ang mga totoong realidad ng buhay na minsan ay masakit pakinggan, pero kung loloobin ninyo ay talagang makatutulong din sa ating buhay-buhay.
Mga post sa facebook ilalagay ko din dito, basta't marami kang dapat abangan sa blog na ito. Baka gusto mo din i-share sa mga kaibigan mo.
kahaba naman ng introduction ko. Sige hanggang dito na muna, mag-sstart na akong gawin ang next na post.
Nagtataka ka siguro kung bakit ang unang photo na inapload ko ay langit? Yan picture na yan, ilang taon na yan, 2009 pa yan, nuong mag-isa akong lumipad sa KOREA para hanapin ang kapalaran ko... Napakaraming nangyari at duon nagsimula ang maraming magagandang bagay na naganap. Nokia pa nga ang cellphone ko nuon e. Pero memorable yan photo na yan. Sa taas ng eroplano makikita mo pala talaga na ang mundo bilog, tapos ma-aamaze ka, lalong lalawak ang pangarap mo lalo pag natanaw mo yung dulo, gusto mong puntahan at alamin kung anong mga bansa at Kultura ang nanduruon...
Welcome to my world! Sana mag appreciate mo.
Halika, byahe tayo? (It's more fun in the Philippines..... and Korea din! )
No comments:
Post a Comment
Leave your reply