A Journey of a thousand miles begins with a single step - The Great Confucius
Success starts within you. Chances, opportunities and challenges are just there, it's just up to you whether you will grab these or not. People may tend to choose the safe and serene side most of the time, however, risks are part of the game. Without wise risk-taking, then there's no faith because of being defeated by the "fear" of the unknown. Faith conquers fear. Bravery pushes us to make the first step, the second step and eventually, to the beautiful life's Journey.
Hindi ba totoo na minsan, o sabihin na natin na madalas ay ang mga tao ay laging natatakot magsimula dahil natatakot sila na mabigo? Takot sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari? Naalala ko nga ang sabi ni Nike, "Just do it!" Kasi kapag di ka nagsimula sa mga bagay na gusto mong gawin, mawawala yung momentum mo, pag nawala ang momentum mo, mauubos ang time mo, kapag naubos ang time mo, meron nang mga mas bata na deserving to take the chance na na-missed mo. At the end of the day, sarili mo lamang ang sisisihin mo kung nawala ang mga bagay na gusto mong gawin.
Ang teoryang ito na mga pinagsasabi ko ay aplikable hindi lamang sa mga pangarap mong materyal sa buhay, pati na siguro sa pag-ibig. Kung halimbawa gusto mo ang isang tao, sabihin mo. Kasi kapag hindi, baka sa huli magsisisi ka. Lalo if occupied na siya, worst, kasal na. Wala ka nang magagawa nuon. Para bang negosyong pinalagpas mo tapos may ibang nag-hit, tapos nagsisisi ka kasi dapat ikaw iyon...
Sabi nga nang mga matatanda, laging nasa huli ang pagsisisi. Sabagay, life is a choice pero it's wise to choose the more exciting, more challenging and more productive road rather take the boring side. Pero at the top of it all, walang magdidikta sayo, hindi kahit mga magulang mo, kasi at the end of the day, gagawin mo din ang gusto mong gawin e, "JOURNEY" mo iyan... Nga lang be careful din not to do anything stupid, ika nga. Follow your guts, pero use your mind din.
Pag matanda ka na, at pipikit na mata mo kasi sabi nga nila "expired ka na" it doesn't matter how much money you earned in life, what will matter is what you can tell yourself, what will you feel before you set forth, masasabi mo ba na ang journey mo ay maganda, productive at naging kapakinakinabang ka sa mundong ibabaw? Ang tanong mo siguro sa sarili mo, kung masaya ka, at proud sayo ang mga maiiwan mo. Success yun kung ganon. E siyempre mas happy din kung may maiiwan kang maraming pamana (bonus na yun)
Ngayon siguro nag-iisip ka na gawin ang mga magagandang bagay upang matupad ang iyong pangarap, aba sige simulan mo na yan. Balitaan mo ako!
Nasa picture nanaman tayo, bakit ba iyang maduming maong ko ang naka post dyan? Katatapos kasi ng sand storm kasi sa Korea niyan, Yellow Storm ang tawag nila duon, pero hindi yan naging hadlang, alam mo naman tayo NOTHING BLOCKS OUR WAY, I met my friends and had a good time together despite of the dust. Make good memories ika nga, challenge everything. Kung hindi ako lumabas nuon, edi walang kwento, walang memories :)
Asta la vista!
Hanggang sa muli.
No comments:
Post a Comment
Leave your reply