Monday, January 30, 2012

Nurse Anesthetics: The power of Nurses...



20120131-042706.jpg

I accompanied a korean student some 3 days ago to the hospital because he fell from the jeepney and had major scratches, a fact he hid from us for 2-3 days until he had fever, infection and untolerable pain. When we approached the E.R., Instead of feeling the pain, he got too concious he forgot about his painful agony, all he did was to make "pogi" points to the pretty nurse who attended to him!

Quick Lessons learned:
1. Beautiful nurses are very effective anesthetics.
2. Making "pogi" points reduces pain.
3. And most importantly, para wag magastusan, wag mahuhulog sa jeep, stop, look and listen dapat lagi.

Ps: kung mahulog man, pwede bang sabihin agad, hindi yung two days na at nilalagnat na saka palang sasabihin...

Life lesson: don't procrastinate. Kung may pain, may mali talaga, magpa check kaagad. Minsan dyan pa tayo napapahamak e yung parang "naku okay lang ito..." tapos pala malala na...

Business lesson: Injuries of whatever sorts minor or major may these be, must be remedied quickly. If in worst case a certain problem arose but already posing big damages, seek interventions and/or advisements from better-knowing individuals... Proper channeling of concerns is needed ASAP. There are things better dealt by those who know better than us.

Everything is okay now. Strong antibiotics did the trick.

Lesson galing kay Peter Pan (naalala ninyo? Channel 2 yata, Peter Pan,mga 3 pm yata ito pagkatapos ng Princess Sarah)

Si Peterpan ang turo niya kina wendy and brothers, isipin lang nila and feel from their hearts na makakalipad sila, makakalipad sila..
Nakalipad sila nag enjoy pa sila ng husto sa neverland.

Ang lesson sa peterpan: Impossible things can be possible as long as your mind and your heart think and feel the same. If your heart tells you that you wanna fly and your mind agrees, things will work out to make you fly... Fly high ika nga... Tignan mo si Henry Sy, si Gokongwei, si Oprah, si Rockefeller atbp... Diba lahat nagsimula lang naman sa pangarap ng puso na nilakipan ng matamang pag iisip... Ayan lumilipad sila, kahit saan bahagi ng mundo, para silang si peterpan and friends ..

Nakakainspire.

Good mornight!

Journey of a thousand miles....

A Journey of a thousand miles begins with a single step - The Great Confucius

Success starts within you. Chances, opportunities and challenges are just there, it's just up to you whether you will grab these or not. People may tend to choose the safe and serene side most of the time, however, risks are part of the game. Without wise risk-taking, then there's no faith because of being defeated by the "fear" of the unknown. Faith conquers fear. Bravery pushes us to make the first step, the second step and eventually, to the beautiful life's Journey.

Hindi ba totoo na minsan, o sabihin na natin na madalas ay ang mga tao ay laging natatakot magsimula dahil natatakot sila na mabigo? Takot sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari? Naalala ko nga ang sabi ni Nike, "Just do it!" Kasi kapag di ka nagsimula sa mga bagay na gusto mong gawin, mawawala yung momentum mo, pag nawala ang momentum mo, mauubos ang time mo, kapag naubos ang time mo, meron nang mga mas bata na deserving to take the chance na na-missed mo.  At the end of the day, sarili mo lamang ang sisisihin mo kung nawala ang mga bagay na gusto mong gawin.

Ang teoryang ito na mga pinagsasabi ko ay aplikable hindi lamang sa mga pangarap mong materyal sa buhay, pati na siguro sa pag-ibig. Kung halimbawa gusto mo ang isang tao, sabihin mo. Kasi kapag hindi, baka sa huli magsisisi ka. Lalo if occupied na siya, worst, kasal na. Wala ka nang magagawa nuon. Para bang negosyong pinalagpas mo tapos may ibang nag-hit, tapos nagsisisi ka kasi dapat ikaw iyon...

Sabi nga nang mga matatanda, laging nasa huli ang pagsisisi. Sabagay, life is a choice pero it's wise to choose the more exciting, more challenging and more productive road rather take the boring side. Pero at the top of it all, walang magdidikta sayo, hindi kahit mga magulang mo, kasi at the end of the day, gagawin mo din ang gusto mong gawin e, "JOURNEY" mo iyan... Nga lang be careful din not to do anything stupid, ika nga. Follow your guts, pero use your mind din.

Pag matanda ka na, at pipikit na mata mo kasi sabi nga nila "expired ka na" it doesn't matter how much money you earned in life, what will matter is what you can tell yourself, what will you feel before you set forth, masasabi mo ba na ang journey mo ay maganda, productive at naging kapakinakinabang ka sa mundong ibabaw? Ang tanong mo siguro sa sarili mo, kung masaya ka, at proud sayo ang mga maiiwan mo. Success yun kung ganon. E siyempre mas happy din kung may maiiwan kang maraming pamana (bonus na yun)

Ngayon siguro nag-iisip ka na gawin ang mga magagandang bagay upang matupad ang iyong pangarap, aba sige simulan mo na yan. Balitaan mo ako!

Nasa picture nanaman tayo, bakit ba iyang maduming maong ko ang naka post dyan? Katatapos kasi ng sand storm kasi sa Korea niyan, Yellow Storm ang tawag nila duon, pero hindi yan naging hadlang, alam mo naman tayo NOTHING BLOCKS OUR WAY, I met my friends and had a good time together despite of the dust. Make good memories ika nga, challenge everything. Kung hindi ako lumabas nuon, edi walang kwento, walang memories :)

Asta la vista!

Hanggang sa muli.

Unang Post Ko, Intro muna syempre...

Nag-iisip ako ng isang mabisang paraan kung saan ay mailalahad ko ang aking mga karanasan, ideolohiya, inspirasyon at buhay-buhay sa mga tao hanggang ang isang kaibigan ay isinabi sa akin na maganda ang wordpress, dahil para lamang itong isang diary.

Commercial lang: Ang idol ko sa negosyo ay si Donald Trump.
Nag simula akong maging negosyante mula nuong bata pa ako, sa chinese school kasi nuon ang lagi kong dala mga box ng Mongol, tapos ang mga classmate ko naman ang dala nila papel, candy, pantasa at kung iba iba pa. Bata pa kami e negosyante na, pag may dala ka kasing product, tapos may need sa commodity mong dala, kikita ka, negosyo na yun.

I'm very excited to write all my experiences in this publishing blog, I would want to inspire the Youth. Ika nga nila, hindi lang sapat ang mangangarap ka, dapat meron din sapat ng inspirasyon, motisbasyon at kaalaman. Yun mga bagay na iyon susubukan kong ibahagi sa lahat ng magiging tagapagsubaybay ng blog na ito.

Sana ay sundan ninyo ako sa aking pagbabalik tanaw mula nuong bata pa ako at paghaharap tanaw sa kinabukasan at hinaharap; mga inspirasyon at turo nila mommy at daddy, mga gabay ng mga naging magagaling na mentors at mga karanasang kasama ang aking mga kaibigan.

Love life, pwede din ma-topic. Hindi pa ako sure pero siguro pwedeng pwede na din. Ang negosyante kasi minsan, wala na love life yan e. Kasi madali naman gumawaw niyan kapag established ka na.

Sa blog na ito, hindi ko rin maiiwasan na sabihin sa inyong lahat ang mga totoong realidad ng buhay na minsan ay masakit pakinggan, pero kung loloobin ninyo ay talagang makatutulong din sa ating buhay-buhay.

Mga post sa facebook ilalagay ko din dito, basta't marami kang dapat abangan sa blog na ito. Baka gusto mo din i-share sa mga kaibigan mo.

kahaba naman ng introduction ko. Sige hanggang dito na muna, mag-sstart  na akong gawin ang next na post.

Nagtataka ka siguro kung bakit ang unang photo na inapload ko ay langit? Yan picture na yan, ilang taon na yan, 2009 pa yan, nuong mag-isa akong lumipad sa KOREA para hanapin ang kapalaran ko... Napakaraming nangyari at duon nagsimula ang maraming magagandang bagay na naganap. Nokia pa nga ang cellphone ko nuon e. Pero memorable yan photo na yan. Sa taas ng eroplano makikita mo pala talaga na ang mundo bilog, tapos ma-aamaze ka, lalong lalawak ang pangarap mo lalo pag natanaw mo yung dulo, gusto mong puntahan at alamin kung anong mga bansa at Kultura ang nanduruon...

Welcome to my world! Sana mag appreciate mo.

Halika, byahe tayo? (It's more fun in the Philippines..... and Korea din! )