Wednesday, July 11, 2012

Para sa mga naging Teachers ko... I love my teachers!


Kahit hindi teachers' day ngayon, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga naging teachers ko mula nuong casa, elementary at Kolehiyo (special mention yung sa mga sa elementary) kasi ang mga guro ko ang humubog sakin upang maging taong hindi sakit ng lipunan kundi isang mamamayang mayroon nililingong maganda sa nakaraan, tinatahak na makabuluhan sa kasalukuyan, at may maliwanag na tinatahaw sa hinaharap.

Napaka taas ng pagtingin ko sa mga guro, palibhasa, hindi karangyaan ang ninanais nila sa mundo kundi para sa kanila ang palamuti na mayroon sila ay yuong mga estudyante nila na nagtatagumpay at nagiging bahagi ng isang mas makabuluhang katotohanan sa lipunan.

Wala mang silang brilyante na ipag-mamalaki, mayroon naman silang mga katangi-tanging kontribyusyon sa lipunang ating ginagalawan, na sa tingin ko ay higit pa ang karangalan kaysa sa suot na brilyante na kumikinang pero wala namang saysay sa mas nakararami.

Kapag ang isang guro ay matanda na, at Dumarating ang takipsilim ng buhay na naging makabuluhan, mayroon siyang masasabi sa sarili niya: "marami akong mabubuting maiiwan, mawawala man ako pero ang maiiwan ko ay patuloy na magiging bahagi ng kasalukuyan at hinaharap".

May bonus pa, yung mga anak nila may maipagmamalaki na "ang nanay ko ay isang mahusay na titser!"

Kaya kahit hindi teachers' day bigla ko lang naalala mga teachers ko nuon... Dahil ngayon na sunod-sunod ang tagumpay na mula sa awa at pag-ibig ng Dios, hindi mo maiiwasan na lumingon at pasalamatan ang mga ginawang mabubuting kasangkapan ng Dios para maging ikaw, ang Ikaw ngayon.

Maraming salamat po sa naging guro ko, MAHAL NA MAHAL KO KAYO, I may not be able to thank you all one by one but I extend my best wishes and prayers that you and your respective families be blessed with peace and serenity for being such good teachers to me and my fellow classmates!

I cannot be greater than any of my teachers, I can only be their student forever because no matter how high I may soar, no matter how far the success the good Lord showers me, the fact is still clear, I WAS, I AM your mere student.

God designed everything, HE gave me the best set of teachers in and out of School.

And thus, above all, all successes, fame and fortune come from the great God! And that all glories be upon Him!

No comments:

Post a Comment

Leave your reply